Episodi del podcast
Stagione 6
Imperio Romano Julius Caesar 9 (sub episode 7B)
PART 9 IMPERIO ROMANO - JULIUS CAESAR (Sub episode 7B) Continued: DIGMAAN SA GAUL Walong taon magmula 58 BC hanggang taon 50 BC isinaganap ni Julius Caesar ang kampanyang panlupig sa mga katutubong tribu sa Gaul. Nasugpo ng pamunuang Romano ang mga katutubong Helvetii sa Arar at sa Bibract (58 BC), ang mga Suebi at mga Aedui SA BULUBUNDUKIN NG VOSGES, mga Nervii sa Sabis (57 BC),ang mga Belgae sa Axona (57BC), ang mga VENETI, Eburones, Aduatuci, Centrones, Grudii, Levaci, Pleumoxii, Geiduni at Carnuti. Marami ang mga tribu sa Gaul at bawat tribu ay may kinikilalang pinuno at mayroon silang pnsariling pamahalaan. Habang nasasakop ni Caesar angmga ito sa sagupaan, marami ang nangangahas na sumalakay at lumaban sa mga lehiyong Romano. Inilaan ni Caesar ang kanyang buong pagsumikap sa pagsakop sa buong teritoryo ng Gaul at dala ng kanyang napapamalitang pananagumpay ang kanyang kaibigan sa Roma na si Crassus ay nag-ambisyon na nagtuon ng pansin sa ibayong karagatan. Umayon si Caesar sa plano ni Crassus na sakupin nito ang Parthia dahil nakita niyang kaigihan nito ang paglawak ng kapangyarihan ng Roma. Naging kalunos-lunos ang kinahinatnan ng isinagawang kampanya ni Crassus sa taon na 53 BC dahil natalo ito ng mas maliit na puwersa ng mga taga Parthia. Kagaya sa nakalipas na dalawang taon na noong namatay ang anak ni Caesar na si Julia na sinundan ng pagkamatay ng kanyang mahal na ina, si Caesar ay nasa kalagitnaan ng masinsinan at mabagsik na kampanyang militar noong nalaman niya ang pagkamatay ng kaibigan niyang si Crassus. Sumunod na umalsa sa Gaul 53 BC at 52 BC) ang matatag at matapang na tribung Arveni. Ang nangyaring enkuwentro ng tribu at ng Romanong lehiyon ay naganap sa Gergovia. Ang Gergovia ay kabisera noon ng mga tribung Arverni sa lumang Gaul at ngayon ay lugar na itong kilala na pook ng Gergovie sa ituktok ng bundok sa bayan ng La Roche-Blanche malapit sa Clermont-Ferrand sa Auvergne-Rhone-Alpes sa Pransiya. Mabagsik ang nangyaring labanan at nakayanang paatrasin ng hukbong Gaul na mga Arveni at pinamunuan ni Vercingetorix ang mga Romanong mananakop. ----------------------------- Ang tribung Arveni ay mga katutubong Gaul na nakatira sa lugar na sa ngayon ay kilala na sa pangalang Auvergne at naitalang isa sa pinakamakapangyarihang tribu ng sinaunang Gaul. Sa taong 52 BC ang pinuno ng tribung Arveni na naninirahan sa Oppidum o napatibay na kuta ng Gergovia ay ang ang mandirigmang si Vercingetorix . Hindi sang-ayon noon si Vercingetorix na ang dating kalayaang mamuhay ng mga tribu ay pakikialaman ng mga Romano. Naakit niya ang paggalang ng mga ibang tribu sa kanya dahil sa kanyang magaling na pamumuno, lakas ng kanyang militar, tibay ng kanyang kalooban at katalinuhang taktikal sa militar. Malaki siyang lalaki at ang kanyang tayo ay naghahayag ng kapangyarihan at katapangan. Nagawa niyang magtatag ng alyansa ng mga iba-ibang tribu sa Gaul laban sa pamunuang Romano at ito ay kanyang pinamunuan. Noong 53 BC umalis si Caesar na nagtungong Italya pagkatapos ng kampanya niya ng pagsupil sa mga tribu sa tag-araw. Ito ang tiyempong sinamantala ng mga umalsa na nag-alyansang mga tribu sa Gaul na pinamunuan ni Vercingetorix at umalma sila laban sa mga lehiyong Romano na nagpapalipas ng taglamig sa Gaul…. Listen to the podcast for the full episode
Imperio Romano Julius Caesar 8 (sub episode 7A)
PART 8 (Sub episode 7A) IMPERIO ROMANO JULIUS CAESAR DIGMAAN SA CARRHAE Habang abala si Caesar sa pagresolba ng mga pag-aalsa ng mga tribu sa Gaul noong TAON 53 BC, nagkaroon ng labanan sa pagitan ng mga Romano at ng Imperyo ng Partha o Arsacid na lugar na ngayon ng Iran. Ang nangyaring digmaan ay naganap sa sinaunang bayan ng CARRHAE, na lugar na ngayon ng Harran sa Turkiya. Ang nananakop na hukbong Romano ay pinamunuan ng kaibigan ni Caesar na si Marcus Licinius Crassus. Ang anak ni Crassus na si Publius ay sumali sa kanya na ang dala niya ay mga sundalong galing sa mga hukbo sa Gaul. Ang digmaang inilunsad laban sa PARTHIA ay bunga ng usapang politika ng samahang triyumbirado sa Roma namatagal nang binuo noon ng mga magkaka-alyado na sina Marcus Licinius Crassus, Pompeius Magnus at Julius Caesar. Batay sa pag-uusap at impluwensiay ng tatlo, naipasa ang batas na Lex Trebonia sa Roma noong taon na 55BC at ito ang nagbigay ng pahintulot kay Caesar na maging gobernador sa Gaul at sa kanyang pagsakop doon. Naibigay kay Pompey ang mga probinsiya ng Hispania o Pensinsula ng Iberia at nakuha ni Crassus ang probinsiya ng Syria. Sa pagkatanggap ni Crassus sa probinsiya ng Syria, matindi ang naging paghangad niya na masakop din niya ang Parthia, rehiyon noon na ngayon ay lugar ng Hilagang-Silangan ng Modernong Iran, rehiyon ng Khorasan, bahagi ng Iraq, Armenia at Afghanistan. Ang Parthia ay unang pinamuhayan ng sinaunang tribung Parni na kaugnay ng mga ninunong Persiano na galing sa Imperyo ng Persiya na winasak ni Alehandro ng Masedonya at kanyang hukbo sa matagal nang 331 BC. Sampung taon bago ng paglayag ni Crassus patungong Parthis para mangsakop, ang Parthia ay nakipag-alyado sa Roma laban sa Armenia. Natalo ang Armenia subalit ang kumander noong Romano na si Ganeus Pompeius (Pompey) ay binawi niya ang kanyang pangako na ibabalik niya sa Parthia ang mga lupa ng Messopotamia na inokupahan noon ng Armenia. Mula noon, nagkaroon na pag-aalinlangan ang relasyon ng Roma at Parthia. Habang nagbabalak noon si Crassus, ang kanyang pinupuntiryang sakupin na lugar – ang Parthia ay magulo at batbat ng kataksilan, katiwalian, kasakiman, pandaraya at salungatan. Ang dating hari doon noon na si Haring Pangatlong Phraates (III) ay pinatay ng kanyang dalawang anak na lalaki noong tano – 57 BC. Ang mga suwail na anak ay sina Pangalawang Orodes (II) at si Pang-apat na Mithridates (IV) ay nag-agawang pumalit sa trono. Sa unang labanan ng dalawang magkapatid, nanalo si Orodes at inatasan niya ang kapatid niya na maging de-facto na hari ng Media. Subalit nagkaroon muli ang bakbakan ang magkapatid na Orodes at Mithridates at napuwersa si Mithridates na tumakbo at magpatulong kay Aulus Gabinus na siya noon ang Romanong gobernador o prokonsul sa Syria. Tinangka ni Gabinus na mamagitan sa alitan ng dalawang magkapatid na ang pakay niya ay gawin siya ng Roma na haring kinatawan ng Roma doon habang aagawin niya ang kontrol sa Parthia. Subalit, inabandonar ni Gabinius ang plano niyang ito at sa halip ay pinili niya ang mamagitan sa mga Ehipto na noon ay nasa pamumuno ni Unang Ptolemy Soter. Nagsarili ngayon si Mithridates na nagpatuloy na nagtangkang sumakop sa Babylonia. Bagaman nagkaroon siya ng mga maliliit na pag-wawagi noong una, sa bandang huli, siya’y nilupig ng kumandante ng Parthia na si Surena. Pumalit si Crassus kay Gabinus bilang gobernador ng Syria at kina-alyado niya si Mithridates. Sinakop nila ang lugar ng Osroene na nasa kamay noon ng Parthia. Sa nangyaring labanan, nasugpo ni Surena si Mithridates at pinaslang niya ito….. Listen to the full podcast for the whole episode.
Imperio Romano Julius Caesar 7
part 7 (Umpisa ng Digmaan sa Gaul ) “Sa nakaraan, naipakilala si Gaius Julius Caesar, isa sa pinakabantog, pinakakatangi-tanging taong nabuhay sa mundo sa sibilisasyong kanluranin; naging dakila sa pagiging pinunong stratehiko sa militar, manlulupig ng teritoryo at pinuno sa pamunuan sa kasaysayan. Isa rin siyang mahusay na manunulat at orador o mananalumpati.” “…Mabilis ang pag-angat ni Caesar dahil pagkatapos ng kanyang pagiging praetor, noong taon na 59 BC nahirang siyang konsul. Ito na ang posisyon na pinakamataas sa pamahalaang Roma. Noong natapos ang kanyang termino na isang taon, siya’y naatasang gobernador sa teritoryo ng mga Gaul kung saan nabigyan siya ng kapangyarihang mamahala sa napakalawak na lugar at may hawak na maraming lehiyon ng hukbong militar. Noong malaman ng kanyang mga pinagkautangan na pupunta siya sa malayong probinsiya, umangal ang mga ito. Nalutas ang problema ni Caesar dahil tumulong sa kanya ang kaibigan niyang si Crassus. Ginarantiyahan nito ang pagkakabayad ng mga utang ni Caesar at noong sumang-ayon na ang kanyang mga pinag-kautangan tumuloy na si Caesar para manungkulang gobernador sa malayo at malawak na probinsiya na kinaroroonan ng mga katutubong Gaul. Sa Gaul, ang malimit na pagpasok dito ng mga tribung barbaro na Allemanni ay nagsimulang manggulo sa mga katutubo doon at naging malimit ang mga paglalabanan…” “Sinikap ni Caesar na isaayos ang mga ito. Subalit maraming mga tribu ang hindi lamang naglalabanan kundi naghimagsik din laban sa pamunuang Romano dahil sa hindi nila gustong pakikialam ng Roma sakanilang kalayaan at pamumuhay. Naganap ang mga sunod-sunod na mga labanan sa Gaul na nagtagal ng walong taon magmula 58 BC hanggang 50 BC. Nasugpo ng pamunuang Romano ang mga katutubong Helvetii sa Arar at sa Bibract (58 BC), ang mga Suebi at mga Aedui sa BULUBUNDUKIN NG VOSGES, mga Nervii sa Sabis(57 BC), at ang mga Belgae sa Axona (57BC)…Ang mga nasupil na mga iba-ibang tribu sa Gaul ay hindi masaya na ang kanilang kalayaan ay mapasa-kamay sa mga Romano. Kabilang dito ang tribungkeltang-Alemanni na mga Eburones ay nakatira sa hilagang bahagi ng Ardennes sa rehiyon na malapit sa lugar na ngayon ay Timog Olandia, Silangang Belhika at Rhineland….” “…Sa kabilang dako, sa kanyang pananagumpay laban sa mga Romano, lumakas ang loob ni Ambiorix at siya’y personal na nagpunta sa mga Aduatuci at mga Nervii at hinimok silang magsagawa ng panibagong pagsalakay sa mga Romanong nagpapahinga sa teritoryong Nervi sa ilalim ng pamumuno ni Quintus Tulius Cicero. Nagkasundo ang mga Nervii at nagbuo sila kaagad ng puwersa mula sa pinagtawag nilang mga mandirigma sa iba-ibang tribu sa Gaul na nasa kanilang pamunuan – ang mga tribung Centrones, Grudii , Levaci, Pleumoxii at Geiduni. Tamang-tama ang pagdating ng hukbong ni Caesar na sumaklolo at naharang ang mga pagtagpu-tagpo ng mga tribu. Habang nangyayari ito, sa kabilang lugar ng Treveri, naroon noon si Labienus, ang legatus na pangalawa kay Caesar na kumandante, ay naharap din sa panganib ng pagsalakay ng tribu dahil nagkalat na noon ang himagsikan ng mga Eburones. Ilang araw na nanatili si Labienus at kanyang armi sa kuta nila habang araw-araw noong nagpapadala ng pabugso-bugsong paglusob si Indutiomarus…” Listen to the podcast for the full and complete episode.
Imperyo Romano Jullius Caesar 6
IMPERYO ROMANO – JULIUS CAESAR PART 6 (Digmaan sa Gaul at sa Britanya) “Sa nakaraan, nasubaybayan natin si Julius Caesar mula sa kanyang pagkabata at sa mga dumaang mga taon. …” “…Namatay ang kanyang ama na si Gaius Caesar noong siya’y labing anim na taong gulang lamang. Ang kanyang ina ay galing din sa maharlikang pamilya at siya ang nagpalaki sa kanyang tatlong anak na si Caersar at kanyang dalawang kapatid na babe. Simula’t simula pa, politika na ang pinatunguhan ng kinabukasan ni Julius Caesar….” Noong nanalong namuno si Sulla pinag-initan siya nito at napilitan siyang umiwas at umalis sa Roma. Namatay si Sulla at bumalik si Caesar sa Roma. …” “…Naglakbay siya sa Rhodes at naranasan niyang nabihag at pinatubos ng mga pirata. Nahirang siyang Pontifex o pinuno ng relihiyon. Pagkatapos nahirang siyang quaestor, opisyong pamamahala ng administrasyong pinansiyal at pagsagawa ng pagkuwenta tungkol sa mga perang pinapalabas ng tesorerya. Naatasan siyang mahistrado o “curule aedile”/ aedilis curulis na ang tungkulin ay ang mamahala sa mga trabahong publiko. Nagkandidato siyang maging Pontifex Maximus - ito ay posisyong pinakamataas na pinuno sa relihiyon at bagaman nagkautang-utang siya para sa kanyang pangampanya napagtagumpayanniyang makamit ang posisyong ito. At pagkatapos siya’y naipataas mula sa pagiging “curule aedile” sa posisyong praetorat siya’y naging mahistrado na ang kanyang kapangyarihang ay kaugnay sa pambabatas at ehekutibong panungkulan……” “… noong taon na (59 BC) nahirang siyang konsul. Ito na ang posisyon na pinakamataas sa pamahalaang Roma. Noong natapos ang kanyang termino na isang taon, siya’y naatasang gobernador sa teritoryo ng mga Gaul kung saan nabigyan siya ng kapangyarihang mamahala sa napakalawak na lugar at may hawak na maraming lehiyon ng hukbong militar….” “Nagkaroon ng mga paghihimagsik ng mga katutubo laban sa pamunuang Romano at dito nag-umpisa ang mga nangyaring labanan sa Gaul na nagtagal ng walong taon magmula 58 BC hanggang 50 (BC). PAGSALAKAY SA BRITANIA “….Sa taon pa ring 57 BC, sa nangyaring labanan sa Bibracte bagaman nagtakbuhan nang bumalik sa kanilang mga teritoryo ang mga nakaligtas sa labanan, may apat na sumali doong mga tribu na tumangging sumurender kay Caesar. Ito ang mga Nervii, Atrebates, Aduatuci at Viromandui. Sinabihan ng mga tribung Ambiani si Caesar na ang mga Nervii sa lahat ng mga tribung Belgae ay silang suklam na suklam ng labis sa pamunuang Romano. Ang tribung ito ay napakabangis at napakatapang. Hindi nila pinapayagan ang pagpasok ng mga maluluhong mga bagay sa kanilang sosyedad dahil naniniwala sila na ang mga ito ay mayroong epektong nakakasira sa katangiang tao at may takot sila sa impluwensiya ng mga taong Romano. Wala silang balak na makipag-usap ng pakikiayos kay Caesar na noon ay patungo sa kanilang teritoryo. Tatlong araw na noong naglalakbay si Caesar at kanyang hukbo sa teritoryo ng mga Nervii na ang tinatahak na daanan ay isang lumang daan. Napag-alaman ni Caesar mula sa mga bihag na mga lupong Belgae ay nagtitipun-tipon sa kabilang pampang ng Ilog Sabis na noon ay may sampung milya pa ang layo mula sa kinaroroonan nila. Nakumbinsi noon ng mga Nervii ang mga tribung Atrebates at Veromandui na suportahan sila laban sa Hukbong Romano ni Caesar. Patungo rin noon doon ang tribung Aduatuci para sumali subalit naantala sila. Nakahanda na noon ang mga tribu at hinihintay nila ang pagdating ni Caesar. Sa kabilang dako, si Caesar ay nag-utos ng mga bihasang iskaut para maghanap na para sa susunod na pagkakampusan ng hukbo ni Caesar…..” listen to the podcast for the complete and full episode.
Imperio Romano -Julius Caesar Part 5
IMPERYO ROMANO – JULIUS CAESAR PART 5 59 BC Sa taong 59 bago Kapanahunan (59 BC) ang Republica Romano ay nagkaroon ng kanyang “rebolusyon,” simula ng panahon ng karahasan at digmaang sibil na siyang mamagbago sa pamahalaan mula sa pagiging republika tungo sa pagiging monarkiya. Sa pagsama nina Julius Caesar at ni Marcus Calpurnius Bibulus na konsul sa pamunuang Romano ay siyang nagpanimula ng malaking pagpanibago ng kasaysayan ng Republika Roman. Hindi nakayanan ni Bibulus ang makisama sa pamunuan kay Caesar kaya nagbitiw siya sa tungkulin. Kaya sa halip na dalawa ang konsul na mamuno sa gobyerno na siyang nakagawian, nagsolo si Caesar na nagpalakad ng opisyong ito. Naporma ang unang Tatpuno na pinagsamahan nina Caesar, Pompey at Crassus – tatlong pinakamakapangyarihang katauhan sa Roma. Sa kanyang pagiging konsul, ito ang naging tulay na siya ay nahirang na maging gobernador sa malayong Espanya. Ito ang nagbigay pagkakataon sa kanya upang mapalawak niya ang teritoryong Romano sa pamamagitan ng panlulusob sa mga katutubong mga naninirahan sa mga lugar. Sinimulan ni Caesar ang kanyang termino bilang konsul sa pamamagitan ng pagsumite niya ng proposisyong batas – at ito ay ang pagbili ng lupa upang mapatiwalag at mabayaran ang mga sundalo ni Pompey na nanggaling sa kampanya sa Silangan sa kakaraang taon. Ang ibang panig sa senado ay mga konserbatibong mga Optimates o mga tinawag na BONI. Ang grupong ito aypinamunuan ni Marcus Porcius Cato na bantog sa pagiging orador at tagapalakad ng matibay na pagkamapagpigil at masidhing katapatan. Masugid itong tagasunod ng tradisyon at iginagalang siya sa kanyang paniniwala. Ang ginawa ng grupo ni Cato noong isinumite ni Caesar ang kanyang proposisyon ay – umalis sila sa senado upang hindi mapagpasyahan ang isinumite ni Caesar. Dinala ni Caesar ngayon ang proposisyong batas (bill) sa Kapulungan ng “comitia centuriata” na siyang naghihirang ng mga konsul, praetor at mga mahistrado (censors). Ang kapulunang ito ay halos dating-sundalo lahat ang bumubuo. Nagdatingan ang maraming mga beteranong sundalo sa ilalim ni Pompey at noong ang pakitungo ni Bibulus sa kanila ay arogante at mapangbaba, nawalan ng gana ang mga ito sa kanya. Bagaman may nakuhang kapanalig si Bibulus na tatlong tribunong plebeyo o tagapagtanggol ng masang mamamayan para harangan ang pagkakapasa ng proposisyon ni Caesar, sina Pompey at Crassus naman ay nagsuporta kay Caesar ng lantaran. Dahil sa laki ng suporta sa proposisyong batas, nag-atubili ang mga tribunong plebeyo na kapanalig ni Bibulus na maghadlang. Kaagad, bago sa botohan sinuspindi ni Bibulus ang botohan dahil sa rason na may kinalaman sa relihiyon. Dahil si Caesar ang Pontifex Maximus na siyang pinakamataas na opisyo sa relihiyon sa Roma, hindi niya pinansin ito at ipinagpatuloy nila ang botohan. Umakyat si Bibulus at dalawang tribunong pleberyo sa hagdan ng templo ni Kastor at Pollux upang tuligsain ang proposisyong batas. Nagalit ang mga taong nagpulutong at galit siyang dinumog at binasag ang kanyang suot na simbolo ng kanyang pagka-konsul. Itinulak siya sa lupa at binuhusan siya ng dumi. Bumangon siya at nilinis niya ang kanyang mukha at sinigawan niya ang mga nasa pulutong na patayin na lamang siya para tapusin ang pagpapahiya sa kanya. Kinumbinse siya ng ibang mga senador na umalis at magpulong silang muli sa ibang templo habang nagpatuloy ang pagpupulong na nagpasa sa nasabing batas….. Please listen to PODCAST for the full narrative