Note sull'episodio
part 7 (Umpisa ng Digmaan sa Gaul )
“Sa nakaraan, naipakilala si Gaius Julius Caesar, isa sa pinakabantog, pinakakatangi-tanging taong nabuhay sa mundo sa sibilisasyong kanluranin; naging dakila sa pagiging pinunong stratehiko sa militar, manlulupig ng teritoryo at pinuno sa pamunuan sa kasaysayan. Isa rin siyang mahusay na manunulat at orador o mananalumpati.”
“…Mabilis ang pag-angat ni Caesar dahil pagkatapos ng kanyang pagiging praetor, noong taon na 59 BC nahirang siyang konsul. Ito na ang posisyon na pinakamataas sa pamahalaang Roma. Noong natapos ang kanyang termino na isang taon, siya’y naatasang gobernador sa teritoryo ng mga Gaul kung saan nabigyan siya ng kapangyarihang mamahala sa napakalawak na lugar at may hawak na maraming lehiyon ng hukbong militar. Noong malaman ng kanyang ...