Note sull'episodio
IMPERYO ROMANO – JULIUS CAESAR
PART 5
59 BC
Sa taong 59 bago Kapanahunan (59 BC) ang Republica Romano ay nagkaroon ng kanyang “rebolusyon,” simula ng panahon ng karahasan at digmaang sibil na siyang mamagbago sa pamahalaan mula sa pagiging republika tungo sa pagiging monarkiya.
Sa pagsama nina Julius Caesar at ni Marcus Calpurnius Bibulus na konsul sa pamunuang Romano ay siyang nagpanimula ng malaking pagpanibago ng kasaysayan ng Republika Roman. Hindi nakayanan ni Bibulus ang makisama sa pamunuan kay Caesar kaya nagbitiw siya sa tungkulin. Kaya sa halip na dalawa ang konsul na mamuno sa gobyerno na siyang nakagawian, nagsolo si Caesar na nagpalakad ng opisyong ito.
Naporma ang unang Tatpuno na pinagsamahan nina Caesar, Pompey at Crassus – tat ...