Imperio Romano-J Caesar 11 (Rubicon)
Kuwentong Pilipino sa Tagalog at Ilocano by Norma Hennessy
Episode notes
Sa nakaraan, nasugpo na ni Caesar ang boong katribuhang katutubo sa Malayong Gaul kung saan siya namalagi bilang pro konsul o gobernador ng dalawang termino magmula taong (50BC). Nai-ayos niya na ang otoridad ng Pamunuang Roma doon at siya’y tinatawag na ng senado at pamunuang Roma at pinapabalik na siya bilang pribadong mamamayan. Pinagbibitiw na rin siyang kumandante ng hukbo ng mga lehiyon na kanyang pinalaki sa Gaul. Tinanggihan ang kanyang hiling na pagkandidatuhin siya bilang konsul in absentia dahil kailangang pupunta siya sa Roma bilang pribadong mamamayan kung gusto niyang kumandidato. Alam ni Caesar na manganganib siya na babalik bilang pribadong mamamayan na wala siyang hukbong suporta. Marami ang magtatangka sa kanyang buhay. May mga pulitiko na gustong magpabagsak kay Caesar dahil sa kanyang panagumpay sa Ga ...