Imperio Romano -J Caesar (Uxellodunum)
Kuwentong Pilipino sa Tagalog at Ilocano by Norma Hennessy
Episode notes
Part 10 - Uxellodunum
“Si Caesar ay nanatiling abala sa teritoryong Gaul na kanya noong hinati ng tatlong bahagi - Gallia Celtica, Gallia Belgica at Galla Aquitania. Noong dumating ang tagsibol sa taong 51 BC, sumuko na sa mga Romano ang mga katutubong Belgae. Ang pagkawasak ng. tribung ito ay nasa puntong malayo nang mangyari na maghimagsik silang muli.
Subalit mayroon noong dalawang pinuno ng tribu sa Timog-Kanluran ng Gaul – sinaDrappes ng tribung Senones at Lucterius na pinuno ng mga Cadurci na patuloy noong umaalsa at naglalakbay na nanghihimok ng mga taong sumali sa kanya. Si Lucterius ay dating kasama ni Vercingetorix na nagpatuloy sa pagpalaganap ng resistansiya kahit noong nsumuko si Vercingetorix. Siya ay may katangi-tanging lakas ng loob. Nakapagtipon noon ni Drappes ng mga patapon ...