ROMANO KRISTIYANO 1-Constantinus Ponte Milvio
Kuwentong Pilipino sa Tagalog at Ilocano by Norma Hennessy
Episode notes
Unang Kabanata
May isang tulay na bato sa Ilog ng Tiber sa hilagang bahagi ng Roma sa Italya na tinawag na Ponte Milvio o sa Latin ay Pons Milvius. Sa panahong Imperyo Romano, ang tulay na ito ay mahalaga sa Roma hindi lamang sa pang-ekonomiya kundi gamit ito ng militar sa mga estratehiko nitong operasyon at kampanya. Dito naganap ang tinatawag sa kasaysayan na “Labanan sa Milvia” na nangyari noong ika 312 AD.
Ang tulay na batong ito ay itinayo ni Consul Gaius Claudius Nero noong taon 206 BC noong pinagwagi-an niyang sinupil ang armi ng Carthaginia sa Digmaan sa Metaurus. Sa sumunod na siglo, sa taon na 109 BC, nagpatayo ng panibagong tulay na gawa sa bato si Censor Marcus Aemilus Scaurus para palitan ang luma na kanyang pinagiba. Noong dumating ang taon na 63 BC, dito nahuli ang ang komunikasyon tungk ...