

Gurkhang Mandirigma - Agansing Rhai
Episode notes
Sa publikasyon ng pahayagang London Gazette noong Martes, IKATLO ng Oktubre 1944, nailahad ang papapagawad ng Krus ni Victoria (Victoria Cross- VC) sa sundalong si Agansing Rhai. Kasama sa artikulo ang salaysay ng kaganapan na naging dahilan kung bakit siya pinarangalan.“Ikinalulugod ng Hari na patibayin ang kanyang pagsang- ayon sa parangal na Krus ni Victoria na maibigay kay Bilang ANIM-TATLO-DALAWA-ISA- SIYAM (63219) ‘Rifleman’ o Tagabaril Agansing Rai, ng “Ikalimang Riple ng Gurkha na nanininlnihan sa Hari – Puwersang Unahan (5th Royal Gurkha Rifles-Frontier Force), ng Militar ng India.” – linagdaan noong ika LIMA (5) ng Oktubre, 1944. (Mula sa Opisina ng Digmaan /War Office). Sa mga huling araw ng Hunyo 1944, ang ika-LABIMPITUNG dibisyon ng militar ng India (17th Indian Division) ay kasalukuyan pa noong nakikipag-laban sa Bishenpur ng Timog- ...