Sake sa Kampo ng mga Bilanggo
Sake sa Kampo ng mga Bilanggo

Kuwentong Pilipino sa Tagalog at Ilocano by Norma Hennessy

Episode notes

Noong nagtapos ang Pangalawang Digmaang Pangsandaigdigan, naipadala ang mga nahuling mga bilanggong Hapones na sundalo sa mga kampo na hawak ng mga puwersang Alyansa sa nasyon na Burma. Ang bayang ito ay kilala ngayon sa pangalang Myanmar.

Isa sa mga grupong militar na Hapon na nabilanggo ay nagngangalang Kiku (Chrysanthemum). Naipadala ito sa kampo sa siyudad na Rangoon ng bansang Burma. Isang masukal at ilang na kakahuyan ang kanilang nilinis at ginawang kampo. Nabakuran ito ng alambreng may tinik. Ang mga guwardiya doong may hawak na mga bayoneta ay mga sundalong gurkha na nasa otoridad ng Britania. Ang mga sundalong gurkha ay mga galing sa bayan ng Nepal subalit naninilbihan sa militar na Ingles ng Britania.

Nagpatayo ang mga bihag na Hapon ng tolda magmula sa mga suplay na ibinigay ng militar ng Britania at nagtipun-tipon silang ... 

Read more
Keywords
sakealak sa mga bilanggotanaka shigeobilanggong haponsundalong naggagawa ng sakenagtago ng koji sa digmaanlebadura para sa sakenihonshu