KALMADO LANG, may reklamo lang

KALMADO LANG, may reklamo lang

by Kalmadong Reklamador

#3 Mahirap Magpalaki ng Matanda 😂 | Kalmado Lang, May Reklamo Lang

Darating pala ang panahon na tayo naman ang magpapalaki sa mga nagpalaki sa atin. Ikaw na ang nagpapaalala ng gamot, checkup, at kung bakit hindi lahat ng nababasa sa Facebook ay totoo. Pero kahit ikaw na ang nag-aalaga—anak ka pa rin, kaya bawal sumagot. 😂 Sa Episode 2 ng Kalmado Lang, May Reklamo Lang, pag-uusapan natin ang hirap ng “pagpapalaki” sa ating tumatandang parents, ang hoarder problems ng mga grandparents, ang tagumpay ni Alex Eala, at kung bakit parang bumibilis ang panahon habang tumatanda tayo. May kasama ring mga random thoughts tungkol sa storage boxes, lumang cellphone chargers, at ice cream containers na hindi naman ice cream ang laman. Ako si Ney, ang inyong Kalmadong Reklamador. Dito, puwedeng magreklamo—basta kalmado lang. 🎙️ Ano ang isang bagay na ayaw itapon ng parents o grandparents ninyo? I-comment o i-message n’yo sa akin! #KalmadoLangMayReklamoLang #KalmadongReklamador #PinoyPodcast #TaglishPodcast #BuhayPamilya #FilipinoPodcast Watch my vlogs: https://www.youtube.com/@Neyventures

#2 Sinusubok Ba Talaga ang Pasensya Ko... o May Dahilan Lahat?

Late ka na ba? Tapos parang buong mundo biglang bumagal? 😂 Sa episode na 'to, pag-uusapan natin ang mga simpleng frustrations sa pagda-drive, mga kwentong delivery driver sa Berry Creek at Lake Oroville, mga asong feeling sila ang may-ari ng kalsada, at yung viral issue tungkol sa content creation at responsibilidad sa pagmamaneho. Tapos dadaan tayo sa Rabbit Hole of the Week... 🐇 Paano kung yung pagka-late mo... may iniligtas pala sa'yo? Coincidence lang ba? Destiny? O mahilig lang talaga ang utak natin gumawa ng koneksyon sa mga nangyayari? Tara, kwentuhan lang tayo. Hindi tayo nandito para mang-away o mangaral. Kalmado lang tayo... May reklamo lang. 🎙️ 💬 Question of the Week: May experience ka na ba na nainis ka dahil na-late ka... tapos later, naisip mo... "Buti na lang pala"? I-share mo sa comments. Baka ikaw ang maging kwento natin sa susunod na episode. Watch my vlogs : https://www.youtube.com/@Neyventures

#1 Bakit Ako Nagsimula ng Podcast?

Trailer
In this first episode, I’m sharing why I started Kalmado Lang, May Reklamo Lang, who I am, and what kind of kwentuhan this podcast is all about. If you like funny, chill, Taglish conversations about Pinoy life, daily struggles, and random thoughts, this is the perfect place to start.