Episode 1: Pila sa Airport
Sa episode na ito ng Pila sa Airport, ang official podcast ng The Accidental OFW Channel, tatalakayin ni Tots ang isa sa pinaka-common pero never-ending na struggle ng bawat traveler—ang pila sa airport. Mula sa immigration hanggang boarding gate, siguradong makaka-relate ka sa usapang mababagal na pila at matagal na paghihintay. Pero bakit nga ba laging may pila? Normal na ba ito sa biyahe, o may paraan para hindi abutin ng antok at inip sa pila? Samahan si Tots habang binibigyang-linaw ang mga dahilan kung bakit parang forever ang pila sa airport at kung may hacks ba para mapabilis ang proseso.