The Gospel Podcast

The Gospel Podcast

di Joshua Olivarez
Stagione 1

ANG MAKADIOS NA TAHANAN (PT.4)

Ngayon gabi, ipagpapatuloy nila Bro. Joshua at ni Bro. Edward ang paksa patungkol sa isang makadios na tahanan. Ang talakayan nitong gabi ay nakatuon sa tamang pananalangin ng isang ama para sa kanyang tahanan.

ANG MAKADIOS NA TAHANAN (PT.3)

Ngayon gabi, tatalakayan muli nila Bro. Joshua at ni Bro. Edward ang series ng "Ang Makadios na Tahanan" (Part 3). Nitong gabi, ang paksa ay patungkol sa isang mapanalangin na Ama. Ano ang rason at ano ang dahilan kung bakit dapat sa isang ama na ipinalangin ang kanyang tahanan. Yan ang aalamin natin nitong gabi.

ANG PAGTIWALAG NG MGA HINDI KABILANG

Ngayon gabi, mapapakinggan si Bro. Joshua sa isang special episode patungkol sa "Mga Pagtiwalag ng Mga Hindi Kabilang." Mula sa aklat ng 1 Juan 2:19, ito ay isang pag-aaral patungkol sa mga hindi tunay na Cristiano na hindi nanatili sa Salita ng Dios. Pakinggan ngayon gabi!

ANG MAKADIOS NA TAHANAN (PT.2)

Ngayon gabi, tatalakayin nila Bro. Joshua at ni Bro. Edward ang part 2 ng "Ang makadios na Tahanan."

ANG MAKADIOS NA TAHANAN

Ngayon gabi, tatalakayin nila Bro. Joshua at ni Bro. Edward ang paksa patungkol sa isang 'Makadios na Tahanan." Ano ba ang ibig-sabihin ng makadios na tahanan? Ano ba ang itinuturo ng Biblia patungkol dito? At ano ang tungkulin at responsibilidad ng ama o asawang lalaki sa kanyang pamilya? Alamin natin nitong gabi!

ANG PAGPATAY SA ATING MAKASALANAN NA PAGKATAO

Ngayon gabi, tatalakayin nila Bro. Joshua at ni Bro. Edward ang paksa patungkol sa "pagpatay sa ating makasalanan na pagkatao." Bakit kailangan patayin ang kasalanan sa ating buhay? Ano ang magiging kahihinatnan ng mga taong ayaw mamuhay sa liwanag? At ano ang paraan ng Dios upang mapatay natin ang mga kasalanan na natitira pa rin sa atin? Alamin nitong gabi!

ANG KAPUSPUSAN SA ESPIRITU

Ngayon gabi, tatalakayin nila Bro. Joshua at ni Bro. Edward ang paksa ng "Being filled with the Spirit." Ano nga ba ang ibig-sabihin ng "mapuspos ng Espiritu"? At ang lahat ba ng "Filled with the Spirit" ay magsasalita ng ibang wika na hindi nila natutunan? Yan ang aalamin nitong gabi.

ANG ALIPIN NI CRISTO

Ngayon gabi, tatalakayin nila Bro. Joshua at ni Bro. Edward ang paksa tungkol sa "pagiging alipin ni Cristo." Ano ba ang ibig-sabihin na maging alipin ni Cristo? At ano ang katibayan na ang isa'y alipin nga ni Cristo? Yan ang aalamin nitong gabi!

ANG BANAL NA ESPIRITU AT ANG PANGINOONG HESUS

Nitong gabi, tatalakayin nila Bro. Joshua at ni Bro, Edward ang paksa tungkol sa pagkilos ng Banal na Espiritu sa ating pagkakakilala kay Hesus bilang Panginoon.

ANG DALAWANG KALIKASAN NI CRISTO

Ngayon gabi, tatalakayin nila Bro. Joshua at ni Bro. Edward ang doktrina ng "Hypostatic Union," o kung tawagin din "ang dalawang kalikasan ni Cristo." Dahil si Cristo ay Dios, bakit siya napagod? nagutom? at hindi niya alam kung kailangan siya babalik? Yan ang aalamin nitong gabi.
2 di 4