Romano Kristiyano 4 Konstantino (Augustus)
Kuwentong Pilipino sa Tagalog at Ilocano di Norma Hennessy
Note sull'episodio
"Si Emperador Constantius Chlorus, na ama ni Konstantino, ay namatay sa Eboracum (York na sa modernong panahon) habang nasa kampanya silang mag-ama laban sa tribung Pikta (Picts) ng Britanya. Bago nalagutan ng hininga si Emperador Constantius inihayag niya ang kanyang suporta kay Konstantino na siya ang hahalili sa kanya sa kanyang posisyon sa pamunuan. Naghabilin din siya kay Konstantino at ipinasakamay niya dito ang pag-aruga sa kanyang maiiwanang pamilya – mga kapatid ni Konstantino sa ama na noon ay mga musmos pa.
...Maging sa huling sandali noon ng kanyang buhay, naging istratehiko ang isip at pagplano ni Constantius Chlorus. Tanto niya noon na kailangang maisulong si Konstantino para maging opisyal siyang pinuno. Malaki ang pag-asa at paggalang ni Constantius sa natatanging abilidad ni Konstantino na maging kumandante ng mi ...