“Mabuhay ka nang Para sa Ating Dalawa”
Kuwentong Pilipino sa Tagalog at Ilocano di Norma Hennessy
Note sull'episodio
Salaysay ito tungkol sa buhay ng isang lalaking kilala sa pangalang Andres. Kilala siya sa kanyang bayan dahil sa dagsa na kanyang mga ginagawang pagtulong sa mga tao at pagsilbi sa komunidad. Marami siyang mga isinagawang personal na sakripisyo dahil sa habag niya sa mga tao at upang makatulong. Malimit siyang tumatayong sandalan ng mga taong walang kakayahan. Masigla siayng tumutulong sa mga nangangailangan ng tulong. Hindi siya nababagot na gumawa ng lahat ng kanyang makakaya upang ipagtanggol ang mga mahihirap at naa-alipusta. Habang siya’y nagkakaedad, minithi ng mga taong kanyang tinulungan na parangalan siya. Subalit tumanggi siyang tumanggapng anumang parangal na gustong igawad sa kanya ng komunidad.
Sa unang pagkatataon, isinalaysay niya ang isang pangyayaring bumalot sa kanyang prinsipyo sa buhay.Panahon noon ng Ikalawang Digmaan ...