Radyo Migrante Toronto

Radyo Migrante Toronto

por Radyo Migrante
Temporada 1

Kulturang Pilipino: KASAL ni Lualhati Bautista (TULA)

Ngayon naman para sa kulturang Pilipino, ako si Amihan, ang inyong host ngayong linggo! Nais niyo bang makadiskubre ng mga makabuluhang kanta at tula mula sa iba’t ibang musikero at makata? Ang segment na ito ay magsisilbing espasyo para sa iba't ibang pagtatanghal ng mga talento ng ating kababayang pilipino. For today’s episode, ipinagpupugay po natin ang buhay ni Lualhati Bautista, isang manunulat at isang aktibista. Siya ay kilala sa kanyang mga lunsarang aklat na nakasentro sa pakikibaka ng mga kababaihan noong Martial Law katulad ng Dekada Sitenta [‘70] at Bata, Bata, Paano ka Ginawa? Noong January 1, 2020 naman, Lualhati’s collection of poems, Alitaptap sa Gabi ng Dilim was published. Lualhati Bautista died at the age of 77 last February 12, 2023. To commemorate her life, works, and service to the Filipino people and the Philippines, halina’t pakinggan natin ang kanyang sinulat na tula na pinamagatang Kasal Ikinakasal ko ang aking sarili sa aking mga kahawak-kamay, Sa lahat ng aking katabi at kaakbay. Sa aking mga lantad at lihim na pag-ibig. Sa lahat ng katalik ng puso ko’t isip. Sa mga dumadamay at nakikinig Sa iyak ng puso at pagkaligalig ng aming lipunan at aming daigdig. Ikinakasal ko ang aking sarili sa lahat ng tauhan Na nagmula man sa sulok ng aking isip Ay hinugot pa rin sa aking kaluluwa’t puso Silang mga dumating at naglakbay Sa mga pahina ng aking buhay Ikinakasal ko rin ang aking sarili Sa lahat ng tauhan na hindi nilikhalang ang sariling isip Kundi hinugot sa mga bakas ng kanilang pagdating at pananatili Sa mga pahina ng ating panahon. Sa lahat ng kaisa ko sa paninindigan at pag-asa. Sa lahat ng naglalaan ng mga kamay para sa kapakanan ng kapuwa Kakilala man o hindi May pangalan man o wala Dahil ang kanilang buhay ay karugtong ng lahat ng buhay Halinang ikasal ang ating mga anak Sa kinabukasang matiyagang hinahawan Ang buhay nila’t buhay natin Sa kalayaan, ang ating isip sa magagandang pangarap Ang ating mga puso sa pag-ibig Dahil sa sandaling lumamig ang apoy ng pag-ibig Ang tao’y mamamatay sa ginaw.

Pulso ng Migrante: INTERNATIONAL WOMEN'S DAY MARCH (TORONTO)

Sa ating PULSO ng Migrante, pakinggan natin ang mga saloobin ng mga umattend ng International Women’s Day march sa Toronto tungkol sa karapatan ng mga kababaihan. Maraming salamat sa mga umattend ng International Women’s Day march sa Toronto , para sa kanilang pakikipagbahagi ng kanilang opinyon at karanasan with Radyo Migrante.

Ang Ating Kasaysayan: HISTORY OF INTERNATIONAL WORKING WOMEN'S DAY

Ako si Amihan, bringing you today’s segment of Ang Ating Kasaysayan. Tara, let’s learn more about our history to remind ourselves that history is not just information of the past. But history is a way that we get to know more about ourselves as Filipinos and our culture. Alam ninyo ba ang significance ng March mga kaibigan? Ang March ay Women’s month, at ang mismong araw ng pagpupugay ng mga babaeng manggagawa or International Working Women’s Day ay tumatapat sa March 8. Happy International Working Women's Day sa ating lahat at sa ating mga listeners!

Pinoy Talakayan at Usapan: LENY ROSE SIMBRE (MIGRANTE ONTARIO) AT CECILE BARCEBAL (CCESO) - PART 1

Magandang araw po mga kababayan! Kayo’y nakikinig dito lamang sa Radyo Migrante. Kasama natin ngayong linggo para sa ating first episode ay dalawang babaeng migranteng manggawa na sina Leny Rose Simbre, Chairperson ng Migrante Ontario at si Cecile Barcebal, ngayong Deputy Treasurer, pero dating chairperson din ng Caregiver Connections Education and Support Organization o CCESO.

Top News: WEEK OF MARCH 1, 2023

Samahan niyo kami sa ating Episode 1, ngayong March 19, 2023. Para sa ating top news this week..

"Canada Day" (ft. Wilma Delo)

This is Radyo Migrante's 17th episode this year, aired on VIBE 105 FM on July 2, 2023 at 1-2PM 📻🔊 Halina’t sulyapan ang mga usaping nakasentro sa national holiday na “Canada Day” na ginugunita tuwing July 1 at kung ano ang kahulugan nito sa mga katutubong Pilipino at migranteng Pilipino. 🇵🇭 Ating Kasaysayan: Ang unang migranteng Pilipino sa Canada na si Ben Flores 🎶 Performance Break: poem by Rosanna Deerchild from O-Pipon-Na-Piwan Cree Nation at South Indian Lake in northern Manitoba 🩺 PULSO: Cast members of “Oras de Peligro” at the Toronto film screening on June 25, 2023 💫 Pinoy TaU: Interview with Wilma Delo, chairperson of BAYAN Canada Tune in to Radyo Migrante on Vibe105 FM / www.vibe105TO.com

Kulturang Pilipino: ANIMNAPUNG ARAW ni Dittz Centeno de Jesus (TULA)

Nais niyo bang makadiskubre ng mga makabuluhang kanta at tula mula sa iba’t ibang musikero at makata? Ang segment na ito ay magsisilbing espayso para sa ibat’t ibang pagtatanghal ng mga talento ng ating kababayang pilipino. Si Dittz Centeno De Jesus o Nanay Dittz, ay ina ni Gene Roz Jamil “Bazoo” de Jesus, isang Indigenous Peoples’ Rights Defender from the Cordillera Region na nawawala mula noong April 28, 2023. Si Nanay Dittz ay ang founder and president ng Filipino Women’s League sa Bologna, Italy at editor-in-chief ng Diaspora News and Stories - OFW Watch Italy. Isinulat ni Nanay Dittz ang tulang ito at pi-nost sa kanya Facebook page mahigit animapung araw mula nong sapilitang pagkawala ng anak nyang si Bazoo. Animnapung Araw Parang di ko na makayang bilangin Ang mga araw at gabing dumarating Maging sa panaginip lagi nang hiling Duon man lang ikaw ay makapiling. Nguni't sadyang tadhana ay iwas Silang may hawak ayaw kang ilabas Bulag sila sa pang-unawa sa batas Disin sana ito"y mayroon nang wakas. Kahit silip man lang kung saan ka naroon Ipaalam sa amin at kami ay kakaon Mahigpit na yakap ang isasalubong Sana nga'y pakinggan,dasal namin sa Poon. Wala na kaming magawang paraan Mahanap ang lugar, ikaw ay matagpuan Ang tanging pag-asa ay maghintay na lamang Hanggang sa ikaw ay kanilang pawalan. Anak, malayo kami sa 'yong kinaroonan Nguni't ang.puso namin ikaw ang nilalaman Sana balang araw maganda ang kahinatnan Itong pagdurusang hindi alam hanggang kailan.....Anak...nasaan ka?

Pulso ng Migrante: ANAKBAYAN TORONTO EDUCATION DISCUSSION

Sa ating PULSO segment, pakinggan natin ang mga saloobin ng ating mga kababayan na umattend ng Anakbayan Toronto’s educational discussion on the situation in the Philippines. Maraming salamat sa mga umattend ng Anakbayan Toronto’s educational discussion on the situation in the Philippines, sa pakikipagbahagi ng kanilang karanasan.

Filipino Word of the Week: KARAHASAN

Did you know in the Philippines, there are approximately 130 Philippine Languages as validated by the Komisyon sa Wikang Filipino? The main languages include: “Tagalog, Cebuano, Ilokano, Hiligaynon, Waray, Bikolano and many more”For this week, we bring to you the Tagalog word: KARAHASAN, meaning violence, brutality or ferocity.Ang root word ng salitang Karahasan ay Dahas o Force. Ayon sa website na Tagalog Lang, Karahasan means “The intentional use of physical force or power, threatened or actual, against oneself, another person, or against a group or community, which either results in or has a high likelihood of resulting in injury, death, psychological harm, maldevelopment, or deprivation.”

Top News: WEEK OF SEPT 17, 2023

Samahan niyo kami sa ating Episode 27, ngayong Sept 17, 2023. Para sa ating top news this week..
2 de 7