Imperio Romano J Caesar 22 (Sa Thapsus, si Cato at si Juba)
Kuwentong Pilipino sa Tagalog at Ilocano por Norma Hennessy
Notas del episodio
“…Sa ibaba ng kampo ni Scipio ay ang bayan ng Tegea kung saan ay naglagay si Scipio ng kanyang garisondoon na may apat na raang kabayo. Nagkahamunan ang lupon ni Scipio at ang hukbo ni Caesar kung saan maraming mga tauhan sa panig nis Scipio ang nalagas.”
“…Dumating si Caesar sa sadyang lugar at natagpuan niya ang armi ni Scipio na nakapormasyong handa sa digmaan sa unahan ng mga hukay ng mga pagkubli-an. Ang mga elepante ay naipuwesto sa magkabilaang kanan at kaliwang tagiliran. Bahagi ng kanyang hukbong sundalo ay abalang nagtatrabaho na nagpapatibay sa kanilang kampo.
“…Pagkakita ni Caesar sa gayak na ito ng kaaway, pinag-ayos niya ang kanyang armi sa tatlong hanay, inilagay niya ang pansampu at pangalawang lehiyon sa kanang tagiliran, ang pangwalo at pangsiyam na lehiyon sa kaliwang tagiliran, panlimang lehiyon a ...