Imperio Romano -Julius Caesar Part 4
Kuwentong Pilipino sa Tagalog at Ilocano por Norma Hennessy
Notas del episodio
Sa taong SAISENTA’Y UNO BAGO KAPANAHUNAN (61 BC) nabaon na si Caesar sa napakalaking pagka-utang dahil sa kanyang labis na kagagastos. Natiyempo namang siya’y nakaangat na noon sa mataas na posisyon at impluwensiya kaya’t napagwagian niyang maatasang mapapunta sa Malayong Espanya para pamahalaan ito.
Nahirang siyang maging gobernador ng Malayong Espanya – sa lugar ngayon ng Andalusia at Portugal.
Noong malaman na paalis siya, umalma ang kanyang mga pinagkautangan sa Roma kaya napilitan si Caesar na nakipag-usap muli kay Crassus, isang mayamang may malaking ambisyon sa pulitika.
Pumayag itong magbigay ng seguridad na pautang kay Caesar at ang pinag-usapang kabayaran nito ay gagamitin ni Caesar ang kanyang impluwensiyang pulitika na pabor kay Crassus.
Humayo si Caesar papuntang Malayong Espanya at dumaan siya sa Swi ...