Huwag Ka Nang Magpahuli Muli
Kuwentong Pilipino sa Tagalog at Ilocano por Norma Hennessy
Notas del episodio
Isang bihag ng digmaan ang naipadala sa isang pook na nagngangalang Baofeng sa siyudad ng Pingdingshan. Ang lugar na ito ay sakup ng probinsiya ng Henan sa Tsina. Si Uchida Kanji ay nasa destino noon bilang opisyal sa lugar na Lushan.
Noong dumating ang bihag na Tsino sa garison ng mga Hapon, pinaupo ng opisyal na Hapon ang bihag sa opisina ng naatasang opisyal na pinuno ng garison.Noong dumating ang gabi, nagpakuha si Uchida Kanji ng pagkain para sa bihag mula sa kusina ng kampo. Ang pagkaing pinakuha niya ay kagaya ng kanyang sariling pagkain bilang opisyal. Habang sinasabihan ni Kanji ang bihag na tikman muna lang niya ang pagkain at baka may lason iyon, isinabay din niyang pinaluwagan ang posas sa mga kamay ng bihag.
Napansin ni Kanji na parang nagutom nang husto ng ilang araw ang bihag dahil mabilis niyang nilunok ang pagkain na ...