Alam Kong Darating Ka
Kuwentong Pilipino sa Tagalog at Ilocano por Norma Hennessy
Notas del episodio
Ang kuwentong ito ay tungkol sa tunay na pagkakaibigan ng dalawang sundalo na nakipaglaban noong Unang Digmaang Pangsandaigdigan (WW1).Sa kalagitnaan ng mabagsik na bakbakan, nakita ng sundalo ang kanyang kaibigan mula pagkabata at kasama niya sa serbisyo na nabaril. Nakita niya itong natumba sa barikada na ilang metro ang layo sa kanyang pinagtataguang hukay.Kinabahan nang husto ang sundalo at matindi niyang pinagpuputok ang kanyang sandata sa pinanggalingan ng putok na panig ng mga kalaban. Kasabay nito ang nakakabinging pagsabog sa harap ng kanilang barikada. Nagliparan ang naglipanang mga bala mula sa mga baril ng mga kalaban na dumaan sa ibabaw ng kanilang mga helmet.Nanatili sa isip ng sundalo ang nakita niyang pagkakatama ng kanyang kaibigan. Kasa-kasama niya ito na nagpaalam sa kanila upang manilbihan sa digmaan. At kagaya ng kanilang nak ...